Prayers to the Council of the Supreme Diwata

In response to the call of the Philippine President for a National Day of Prayer, we as a Wiccan Shrine established in the Philippines do hereby participate to pray and call for the aid of the Filipino Traditional Indigenous God that was known before to the 33 Indigenous Tribe in the Philippines.

In this Prayer, we recognize the Supremacy of each Gods that been called before by the Indigenous People of the Philippines that comes from the following Tribes:

  • Ampu Nagsalad- from Palaw’an Tribe
  • Amang Goaley or Ananggolay- From Pangasinense Tribe
  • Anlaban, Bago and Sirinuan- from the Isnag Tribe
  • Bagatulayan- from the Itneg Tribe
  • Bathala- from the Katagalugan Tribe
  • Bulan La Mogoaw and Kadaw La Sambad- from the T’boli tribe
  • Kabunyian- from the Ibaloi Tribe
  • Kanlaon- from the Hiligaynon tribe
  • Kaptan- from the Visayan Tribe
  • Dadanhayan Ha Sugay, Diwatang Magbabaya and Agta Yabun- from the Bukidnon Tribe
  • Diwata sa Langit- from the Subanon Tribe
  • Dwata sa Kagubatan- from the Kuyunon Tribe
  • Delan and Elag- from the Bugkalot/ Ilongot tribe
  • Gamhanan- from the Aklanon Tribe
  • Gugurang- from the Bicolano tribe
  • Gutugutumakan- from the Agta Tribe
  • Iraya- from the Ivatan Tribe
  • Lumawig- from the Bontoc Tribe.
  • Mahal na Makaaku- from the Hanunuo Mangyan Tribe
  • Malaon and Makapatag- from the Waray Tribe
  • Manama also known as Eugpamalok Manobo from the Bagobo Tribe
  • Mangechay from the Kapampangan Tribe
  • Malyari or Mayari from the Zambal Tribe.
  • Magbabaya from the Higaonon Tribe
  • Melu- from the B’laan tribe
  • Minaden- from the Teduray Tribe.
  • Mangindusa, Polo, Sedumunadog and Tabiacuod from the Tagbanwa Tribe
  • Nanolay- from the Gaddang Tribe.
  • Taganlang from the Mansaka Tribe.
  • Tagbusan, Makalindung and Dagau- from the Manobo Tribe.
  • Tahaw- from the Mamanwa Tribe
  • Tungkong Langit- from the Suludnon Tribe
  • Umbo Tuhan and Dayang dayang Mangilay from the Sama Badyaw Tribe.

We believe that these 46 names of the Ancient Supreme God of the Filipino Indigenous People are the Manifestation of the Great Supreme Divine Spirit that created the Universe and give life to mankind. And today we are honoring them and pray to them to save and redeem us from the Pandemic spread of the Coronavirus Disease 2019 that claims million of lives around the Earth.

(The prayers that you are about to read is written in Tagalog Language. You may use a translator app in order to read the prayer in your Language.)

Luwahati at Parangal sa dakilang kapangyarihan na lumikha sa atin at sa buong sansinukuban.

Ikaw na Dakilang kapangyarihan, Hari ng buong sansinukuban, Panginoong Maykapal; Dingin mo ang Panawagan ng mga Anak mong Pinagpalang Hirang.

Ikaw na Panginoon at Hari ng Buhay at kamatayan, kami sa iyo ay sumasamo.

Oh Panginoon ng Kaitaasan, Panginoon ng Kaibabawan at Panginoon ng Kailaliman, kami ay iyong pakinggan.

Oh Hari ng mga Diwata, Hari ng mga Anito, Hari ng mga Engkanto, at Hari ng lahat ng mga kaluluwa; kami sa iyo ay sumasamo.

Oh Panginoon at Hari mg Hilagaan, kapangyarihan mo ay lupa, dingin mo ang aming panawagan.

Oh Panginoon at Hari ng Silanganan, Kapangyarihan mo ay hangin, kami ay iyong pakinggan.

Oh Panginoon at Hari ng Katimugan, Kapangyarihan mo ay Apoy, dingin mo ang aming panawagan.

Oh Panginoon at Hari ng Kanluran, kapangyarihan mo ay tubig, dingin mo ang aming panawagan.

Ikaw na Dakilang Kapangyarihan, aming Panginoong Maykapal at Hari ng buong sansinukuban, sa iyong kadakilaan ay ipinahayag mo ang iyong sarili sa iba’t ibang anyo at pangalan.

Sa pagkakataong ito, tangapin mo ang aming alay na papuri at pasasalamat alang-alang sa iyong kadakilaan.

Oh Dakilang Ampu Nagsalad- Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Anagolay- Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Anlaban, Bago at Sirinan- Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Bagatulayan- Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Bathala- Luwalhati at Parangal ay Suma iyo!

Oh Dakilang Bulan La Mogoaw at Kadaw La Sambad, Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Kabunyian, Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Kanlaon, Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Kaptan, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Dadanhayan Ha Sugay, Magbabaya at Agta Yabun, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Diwata ng Kagubatan, Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Diwata sa Langit, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Delan at Melag, Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Gamhanan, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Gugurang, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Gutugutumakan, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Iraya, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Lumaweg, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Mahal na Makaaku, Luwalhati at Parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Malaon at Makapatag, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Manama Eugpamalok Manobo, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Mangechay, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Mayari, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Magbabaya, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Melu, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Minaden, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Mangindusa, Polo, Sedumunadog at Tabiaculod, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Nanolay, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Taganlang, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Tagbusan, Makalindong at Dagaw, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Tahaw, Luwalhati at parangal ay sumaiyo!

Oh Dakilang Tungkong Langit, Luwalhati at Parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang Umbo Tuhan at Dayang dayang Mangilay, Luwalhati at parangal ay suma iyo!

Oh Dakilang kapangyarihan aming Panginoong Maykapal, Luwalhatiin mo ang iyong mga anak tulad ng pagluwalhati namin sa iyo!

Sa pagkakataong ito, kami sa iyo ay dumudulog na kami ay iyong iligtas mula sa pandaigdigang salot na kumakapit sa buong kinapal.

Linisin mo ang aming puso at isipan, at patatagin ang aming pangangatawan upang aming malagpasan ang salot na ito na gumagapang sa buong sandaigdigan.

Oh Panginoong Maykapal, sa bawat sandaling lumilipas ay libo libong buhay ang nasasawi gawa ng salot na ito. Libo libo ring mga kaluluwa ang pumapanaw at tumatawid sa kabilang buhay gawa ng pagsalanta ng salot na ito.

Oh Dakilang Hari ng Buong Sansinukuban, Dakilang Panginoon ng Buhay at kamatayan, kami ay lumalapit sa iyo at sinasamo ang iyong biyaya ng kapayapaan at kapanatagan.

Sa iyong Dakilang Kapangyarihan ay sinasamo namin na iyong pawiin ang aming mga takot at pangamba.

Na iyong lupigin ang kasamaan at kadiliman sa pamamagitan ng iyong maningning na liwanag at pagibig.

Ipagkaloob mo po sa amin ang kapanatagan na sa panahong ito ng dakilang delibyo na bumabalot ngayon sa buong sanlibutan.

Na sa panahong ito ay patuloy mong pagpalain ang lupa at ipagkaloob sa amin ang kasaganahan.

Na iyong pagpalain ang tubig at panatilihin ang kalinisan at buhay na syang magbibigay sa amin ng kaunlaran.

Na iyong pagpalain ang liwanag at apoy, na syang magmumulat sa aming mga mata sa kagandahan ng sanlibutan at kadakilaan ng iyong sanilikha.

Na iyong pagpalain ang hangin na syang nagbibigay sa amin ng hininga at naghahatid sa aming tinig sa iyong luklukan sa kaluwalhatian.

Oh Panginoong Maykapal, tinuturuan mo po kami ngayon ng mga aralin na mahirap maunawaan ng karamihan kung kaya’t kami ngayon sa iyo ay dumudulog, na sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan ay tulungan kami na maimulat ang aming pangunawa sa iyong katuruan. Ipagkaloob mo po sa bawat isa na iyong nilikha ang dakilang liwanag ng iyong kabutihang loob, at iahon ang bawat isa sa kamangmangan at kadiliman.

Tulungan mo po kami Panginoon na matutunan ang laging magpasalamat sa bawat saglit ng aming buhay na nagmula sa iyo. Tulungan mo kami na makita ang iyong Kadakilaan sa lahat ng pagkakataon, sa panahon man ng pagpapala at lalo’t higit ngayon na kami ay dumaranas ng salot at sumpa.

Idinudulog namin sa iyo ngayon Panginoong Maykapal ang bawat bansa ng sanlibutang ito na ihayag mo ang iyong Kadakilaan sa lahat ng kanilang mamamayang nasasakupan at sa lahat ng nilalang na nakikita man o di nakikita.

Sa iyong Dakilang Kapangyarihan, ay sinasamo namin ang iyong Liwanag na sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ay gabayan mo ang bawat pinuno ng mga bansa sa sanlibutang ito upang maisagawa ang tungkulin ng pagliligtas sa bawat mamamayan ng sanlibutan.

Sinasamo din namin ang iyong pagpapala at pamamatnubay sa lahat ng mga hinirang monh manggagamot at tagapangalaga ng kalusugan, na ipagkaloob mo sa kanila ang banal na karunungan na mapanumbalik ang kaginhawaan sa aming katawan.

Sinasamo din namin sa iyo ang iyong pamamatnubay para sa lahat ng tanod at bantay bayan na syang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong kalupaan.

At ganun din naman ay sinasamo ko ang iyong pagpapalang lakas at mabuting kalusugan para sa aming mga magsasaka, mangangaso at mangingisda na syang tumitiyak na palagiang may pagkain sa aming mga hapag ang lahat ng mamamayan ng buong sanlibutan.

Panginoong Maykapal, ang Kapangyarihan mo ay magpasawalang hanggan, Dingin mo ang panawagan ng iyong mga pinagpalang hirang at muling ipanumbalik ang kapayapaan sa buong sanlibutan.

Tangapin mo ang lahat ng mga kaluluwa na yumao at parausin mula sa hirap na kanilang tinamasa mula sa Covid 19. Tangapin nyo rin naman ang lahat ng kaluluwang pumanaw at bigyan ng kapahingahan ang kanilang kaluluwa sa lahat ng hirap at pighati na kanilang sinapit sa mundong ito.

Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, ang kagalingan at kaaliwan ay matatamasa ng lahat ng iyong nilalang.

Mayari Na!

PagAsatin!

Published by Apu Adman Aghama

I am the Chief Priest and Founder of Luntiang Aghama Natural Divine Arts Shrine of Healing Inc. which is a Formal Correllian Wiccan Shrine in the Philippines. I am a Second Degree Clergy of the Correllian Nativist Tradition of Wicca; a dedicated member of the Correllian Order of Peace Weavers; and A Correllian Shaman Guide who leads the Orange Feather Camp. My Priesthood in Luntiang Aghama have created several ministries under the Shrine which consist of the Sacerdotal Order of Luntiang Aghama, National Community of Filipino Pagans, Philippine Correllian Aghamic Circle, Templong Anituhan ng Luntiang Aghama (TALA), Peace Prayer Interfaith Ministry, Hilot Academy of Binabaylan and Kaduwa Movement Equality through Compassion.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: