Panalangin sa Gabi bago matulog

cropped-fb_img_153730103379411.jpg

Papuri at pasasalamat ay sa iyo Dakilang Bathala Panginoon at Hari ng buong San Nilikha!

Sa buhay at pagasa na aming tinamo sa pagpapalang lakas at kalusugan na sa amin ay namuo.Sa aming paghimlay buong lakas at buhay sa iyo ay iaalay.Buong tiwala at pagmamahal sa iyo ako ay nagpupugay. Sa bisig mo nawa ako ay kupkupin kapahingahan at kapayapaan sa iyo aking tatamuhin.

Iyo nawa ipahintulot itong diwa ay maglakbay sa karagatan ng karunungan tugon sa mga suliranin ng buhay.Sa pagsapit ng umaga ako ay gisingin upang ang kasagutang nasumpungan ay maisagawa sa aking buhay.

Luwalhati at parangal sa iyo Oh Dakilang Bathalang Lumikha ang May Ari at May yari nitong Buong Sansinukuban ang Panginoong Maykapal nitong Aking Buhay.

Mayari Na!

Leave a comment