Ngayong Araw ng Undas isang Panalangin

Tao po! Tao Po!

Dingin ang Panaghoy ng Abang nangungulila sa pagkalinga ng mga Ninuno na minsan ay ating Kasama.

Ngayong Araw ng undas, kanilang Alaala ay ating Sinasariwa at ang kanilang mga aral ay sinsisikap nating isinasagawa.

Oh mga Banal na Kaluluwa na sa amin ay Pumapatnubay pahintulutan nyo po na ang lubid na minsan sa atin ay nagbuklod at nilagot ng kamatayan ay maibigkis muli at pagtibayin sa araw na ito ng Undas at hindi na magwakas.

Sa pamamagitan ng inyong Diwa at Alaala na sa amin ay gumagabay; ay amin itong isinasabuhay na tila na inyong aral ay nagpapatuloy na kumikilos sa pamamagitan ng aming mga Buhay.

Mangyari nawa na inyong basbasan at pagpalain ang aming mga kaisipan na maging larawan ito ng inyong Banal na kalooban upang amin itong maisakatuparan tungo sa tunay na kaligayahan at kapayapaan na kalakip nito ay aming kasaganahan at kaunlaran.

Maraming Salamat na kami ay inyong di nilisan ng tuluyan bagkus ang Diwa at Alaala nyo ay mananatili magpakailan man di lamang ngayong Araw ng Undas.

Mayari Na! PagAsatin!

Leave a comment